Iriga: ALBayan Job Fair kasado na sa Mayo 22

    0
    1

    Kasado na sa ika-22 ng Mayo ang ALBayan Job Fair 2026 na isasagawa ng Pamahalaang Lokal ng Albay sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO).

    Gaganapin ang job fair sa Albay Astrodome sa Legazpi City, katuwang ang Department of Labor and Employment na maghatid ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga job seekers sa lalawigan at mga karatig-lugar.

    Para mapadali ang proseso, bukas pa rin ang online pre-registration para sa mga aplikante sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code na makikita sa opisyal na Facebook page ng Provincial Information Office.

    Ayon kay PESO manager Ely P. Salting, inaasahang lalahok ang hindi bababa sa 13 line agencies na mag-aalok ng mahigit 100 bakanteng posisyon para sa mga kwalipikadong aplikante.

    Bukas ang job fair para sa lahat, kabilang ang walk-in applicants basta may dalang updated resume.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply