Iriga: Konstruksyon ng 29 karagdagang silid-aralan, target nang simulant- Gob. Rosal

    0
    1

    Target nang simulan sa lalong madaling panahon ng Pamahalaang Lokal ng Albay ang konstruksyon ng 29 na karagdagang silid-aralan sa lalawigan ayon kay Governor Noel Ebriega Rosal.

    Ayon sa opisyal, oras na bigyan na sila ng ‘go-signal’ ng national government ay agad na pasisimulan ang nasabing proyekto para mapakinabangan na ng mga mag-aaral sa lalawigan.

    Kabilang sa mga paaralan na pagtatayuan ng karagdagang silid-aralan ang 10 mula sa unang distrito partikular sa Bacacay (3), Malilipot (1), Malinao (3), Sto. Domingo (3); pito mula sa ikalawang distrito partikular sa Camalig (2), Rapu-Rapu (4), Manito (1), at 12 mula sa ikatlong distrito partikular sa Jovellar (1), Libon (5), Oas (3), at Polangui (3).

    Ayon sa gobernador, ang nasabing programa ng Department of Education (DepEd) ay isang “welcome development” para mapadali ang konstruksyon ng mga classrooms sa mga lugar na nangangailangan nito.

    Samantala, nauna nang nilinaw ni Rosal na ang listahan ng mga paaralan na prayoridad para sa programa ay mula sa DepEd batay sa kanilang updated na Instructional Room Analysis sa Basic Education Information System (BEIS).

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply