Iriga: PR05, pinalakas ang kampanya laban sa Smuggling; P16.4 Milyong Halaga ng Sigarilyo, nakumpiska sa 28 Operation

    0
    1

    Sa loob ng limang buwan, nagtala ng malaking tagumpay ang Police Regional Office 5 (PRO 5) sa pinaigting nitong kampanya laban sa smuggled cigarettes.

    Mula Enero 1 hanggang Mayo 18, 2026, nagsagawa ang PRO 5 ng 28 operasyon na nagresulta sa pagkumpiska ng smuggled na sigarilyo na may kabuuang halagang PhP16,452,296. Kasabay nito, 21 indibidwal ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon.

    Kabilang sa nakumpiska ay 528 packs, 1,395 reams, at 13 master cases ng ilegal na sigarilyo.

    Ang tagumpay na ito ay bunga ng mahigpit na koordinasyon, inter-agency collaboration, at mas pinaigting na intelligence-driven operations na patuloy na isinusulong ng hanay ng kapulisan.

    Paalala sa publiko: Ang pagbebenta, pamamahagi, at pag-iingat ng smuggled cigarettes ay may mabigat na parusa sa ilalim ng Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act). Ito ay itinuturing na economic sabotage dahil sa malaking kawalan ng kita ng pamahalaan mula sa buwis na dapat sana ay napupunta sa mga serbisyong publiko. Maaari ring managot ang mga sangkot sa ilalim ng National Internal Revenue Code kung walang tamang excise tax stamps mula sa BIR.

    Ang operasyong ito ay bahagi ng PNP Focused Agenda—partikular sa Enhanced Managing Police Operations—na naglalayong palakasin ang intelligence operations, enforcement efficiency, at inter-agency coordination laban sa organized at economic crimes.

    Ayon kay PBGEN Erosito N. Miranda, Regional Director ng PRO 5:

    “Ang tagumpay na ito ay bunga ng tuloy-tuloy na pagtutulungan, maayos na koordinasyon, at mas pinaigting na intelligence-driven operations ng ating hanay kasama ang iba’t ibang katuwang na ahensya. Patunay ito na kapag sama-sama—kasama ang Team KASUROG, stakeholders, at mamamayan—mas epektibo nating natutugunan ang smuggling. Tinitiyak namin na magpapatuloy ang ating operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at maprotektahan ang ekonomiya ng bansa at kapakanan ng mamamayan.”

    Patuloy na pinaiigting ng PRO 5 ang operasyon laban sa smuggling at iba pang ilegal na aktibidad sa rehiyon bilang bahagi ng mas malawak na adhikain para sa isang ligtas, maayos, at maunlad na rehiyon—tungo sa isang Bagong PNP para sa Bagong Bicol at Bagong Pilipinas.

    Patuloy ang yunit sa pagbibigay ng Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

    Source: PNP Kasurog Bicol

    Leave a Reply