Iriga: Albay makakaranas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa shearline

0
11

 

Patuloy na mararanasan sa lalawigan ng Albay ang kalat-kalat na mga pag-ulan dahil pa rin epekto ng Shearline.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration – Southern Luzon Regional Services Division (PAGASA-SLRSD), bukod sa mga pag-ulan ay asahan rin ang isolated thunderstorms na hindi namang inaasahang magtatagal.

Dagdag pa ng state weather bureau, mararamdaman rin ang mahina hanggang sa katamtamang hanging nagmumula sa hilagang-silangan, gayundin ang bahagya hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

Ang magiging agwat ng temperatura ngayong araw ay nasa 24-28 °C.

Mahigpit pa ring pinag-iingat ng ahensya ang mga nasa hazard-prone areas sa posibilidad ng pagbaha, at pagguho ng lupa.

Source: Albay PIO

 

Leave a Reply