Friday, May 10, 2024

Iriga: Aabot sa 6k atleta, inaasahang lalahok sa Palarong Bicol 2024

- Advertisement -

Inaasahang aabot sa 6,000 na mga estudyanteng atleta mula sa iba’t ibang ppaaralan sa Bicol ang lalahok sa Regional Athletic Meet sa darating na Abril 27 hanggang Mayo 4, 2024.

Kasama sa nasabing bilang ang mga mag-aaral mula sa elementarya at at sekondarya, mga coaches, assistant coaches, at chaperones.

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Department of Education (DepEd) Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, sa ngayon ay patuloy na ang isinasagawang paghahanda ng ahensya para sa nalalapit na palaro sa rehiyon.

Main host ang Schools Division Office (SDO) ng Legazpi katuwang ang mga SDO ng Ligao, Tabaco, at Guinobatan.

Nagsasagawa na rin umano sila ng inspeksyon sa mga paaralan na tutuluyan ng mga atleta sa nasabing palaro.

Kaugnay nito, magsasagawa rin umano sila ng coordation meeting kasama ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at City o Municipal Dissaster Risk Reduction and Management Council sa darating na Abril 2 para sa pagpanatili ng kaayusan sa mga dadausan ng palaro.

Nagtakda na rin ang DepEd Bicol ng mga playing venues sa apat na bayan kung saan gaganapin ang iba’t ibang sports event. (Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -