37.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Lucky summer visitor 2024 sa Baguio City at Benguet

- Advertisement -

Baguio City – Muling nagsasagawa ang Baguio Correspondents and Broadcasters Club Incorporated o ang BCBC ng paghahanap ng Baguio-Benguet Lucky Summer Visitor (LSV) ngayong taon.

Ang naturang kaganapan ay pamumunuan ng BCBC para sa grupo ng una pa lang bibisita sa lungsod ng Baguio at probinsiya ng Benguet ay makakaranas ng 4 araw at 3 gabing red carpet tour ng Baguio and Benguet sa ilalim ng pamumuno ni Thomas Picana, ang bagong pangulo ng BCBC.

Ang pahahanap ng tinatawag na Lucky Summer visitors ay nag umpisa noong araw ng lunes Marso a 25 sa isang seremonya sa Camp Pepot Ilagan sa Burnham Park at magtatapos ito sa Marso a 31, sa araw ng linggo para ihahatid ang mga ito.

Ang naturang kaganapan ay itinatag ng mga nakakatandang nasa Media na naglalayong itaguyod ang lungsod ng Baguio, bilang walang katapat na Summer Capital, na pangunahing puntahan ng mga bisita sa panahon ng tag-init at ito ang nagbigay ng kaganapang pang media na mabigyan ng pagkakataon ang masuerteng grupo na maranasan na mapasyalan ang lungsod at ang malalapit na munisipyo sa probinsiya ng Benguet.

Ang mga napiling mga masuerteng bisita ng BCBC kahapon Jueves Marso a 28, sa Flying V Gas Station at Pugo, La Union at inilibot ang mga ito sa lungsod ng Baguio at probinsiya ng Benguet na may may naka-abang ng seremonya mula sa mga namumuno ng mga naturang lugar tulad ng munispyo ng Pugo, La Union, at sa bayan ng Tuba at Tublay bilang pagsuporta sa industriya ng turismo na bahagi ng programa ng BCBC.

Ang masuerteng mapipiling mga bisita ay maninirahang pansamantala sa isang hotel sa Baguio sa loob ng isang linggo libre at walang bayad. Kung baga eh free board at lodging.

Pangunahin sa pamamasyan ng Lucky Summer Visitors ay ang pagbisita sa mga pasyalan sa lungsod ng Baguio at probinsiya ng Benguet. Kasama rito ang courtesy calls na kanilang gagawain sa opisyal ng Baguio La Trinidad at Benguet.

Ang mga napili ay dalawa galing sa Davao City, ito’y mga government workers, samantala ang isang grupo ay galing sa Victoria City ng Negros Occidental isang seaman kasama ang kaniyang mga apat na anak. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PIA Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -