May kabuuang 60 kabataan ang sumailalim sa pagsasanay ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) mula sa Barangay Buang nitong ika-27 ng Abril.
Ang mga kabataang edad 6 hanggang 12 taong gulang na kalahok ay ang mga batang kasalukuyang nananatili sa temporary shelter ng nasabing barangay.
Nakasentro ang programa sa pagbibigay ng kaalaman sa tamang paghahanda at pagtugon sa mga krisis at sakuna.
Sa pamamagitan nito, layunin ng APSEMO na palakasin ang kakayahan ng mga kabataan sa disaster management.
Source: Albay PIO Intern
