Iriga: 23,000 food packs na tulong ng DSWD Visayas, dumating na sa Albay

0
3
photo courtesy of Albay PIO

Dumating na sa Albay ang 23,000 na Family Food Packs (FFPs) mula sa Department of Social Welfare and Development’s Visayas Disaster Resource Center (VDRC).

Nasa 7,000 FFPs ang agarang ipinamahagi sa mga residenteng nasalanta ni Bagyong Kristine sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan kabilang na ang Legazpi City, Daraga, Camalig, Jovellar, Malilipot, at Sto. Domingo.

Samantala, 4,240 FFPs ang ipinadala rin sa Naga City at Milaor sa Camarines Sur, habang 841 FFPs naman sa Sorsogon City at Gubat sa Sorsogon.

Sa ngayon ay mayroon pang kabuuang 38,349 FFPs sa Bogtong warehouse para sa patuloy na pamamahagi sa mga residente sa buong rehiyon na lubhang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Kristine.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply