Iriga: 22M Proposed budget para sa Gratuity Pay ng mga contract of service, job order, employees, aprubado na ng SPA

    0
    12

     

    Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay (SPA) ang panukalang Php 22,000,000.00 na budget para sa gratuity pay ng mga Contract of Service (COS), at Job Order (JO) employees ng Kapitolyo.
    Ang bawat COS, at JO ay nakatakdang tumanggap ng Php 5,000.00 na insentibo bilang pagkilala sa mga naging kontribusyon ng mga ito sa pagpapatupad ng mga Projects, Programs, and Activities (PPAs) ng Pamahalaang Lokal.
    Ang nasabing halaga ay base sa savings ng Pamahalaang Lokal ng Albay na una nang senertipikahan ng Local Finance Committee(LFC).
    Matatandaan na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng gratuity pay sa mga COS at JOs ng halagang hindi lalagpas sa P7,000 pero magdi- depende pa rin ito sa savings ng mga concerned offices o LGUs.
    Naaprubahan ang naturang budget na nakapaloob sa Supplemental Budget (SB) no. 4 para sa Fiscal Year (FY) 2024 sa ginanap na Special Session ngayong hapon sa SPA Session Hall.
    Ang alokasyon ay nanggaling sa Savings at Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Pamahalaang Lokal ng Albay.
    Ang nasabing hakbang ay bilang pagtalima na rin sa Department of Budget and Management (DBM) Budget Circular No. 2024-8 na nilagdaan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. nitong ika-20 ng Disyembre 2024.
    Source: Albay PIO

    Leave a Reply