(Legazpi City, December 26, 2024) Mahigit 1,300 na mga estudyante ang nakatakdang tumanggap ng educational assistance sa gaganaping tatlong araw na payout ngayong linggo.
Ang naturang tulong-pinansyal ay bahagi ng regular na programa ng Albay Provincial Education Department (PED) na naglalayong matulungan ang mga mag-aaral mula elementarya hanggang sa kolehiyo sa kanilang gastusin sa pag-aaral.
Inaasahang makakatanggap ng tig Php 2,000.00 ang nasa 1,389 na mga benepisyaryo mula sa mga bayan ng Manito (509), Pio Duran (493), at Libon (234), gayundin sa barangay Dita, sa Lungsod ng Legazpi (153).
Nakatakdang pangunahan ng PED, katuwang ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) ang naturang payout bukas hanggang sa araw ng linggo, ika-29 ng Disyembre.
Source: Albay PIO
