Naging matagumpay ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) ng Pamahalaang Lokal ng Albay kasabay ng isinagawang Year-End General Assembly ng mga Barangay Violence Against Women Desk Officers (VAW Desk Officers) na pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) noong ika-22 ng Disyembre sa Albay Astrodome.
Ipinakita sa programa ang naging accomplishment ng mga lungsod at bayan sa pag-iwas at pagtugon sa mga kaso ng VAW, na bunga ng pagtutulungan ng mga Local Government Units (LGUs), Local Social Welfare and Development Offices (LSWDOs), Barangay VAW Desks, at iba pang stakeholders.
Upang palakasin ang kakayahan ng mga Barangay VAW Desk Officers, isinagawa ang refresher session tungkol sa kanilang tungkulin bilang first responders, pagtatayo ng VAW Desks, at mga batas.
Kasama rin sa programa ang masayang aktibidad tulad ng on-the-spot dance fitness challenge, Zumba, interactive games, at raffle draws na layuning isulong ang wellness at camaraderie ng mga dumalo.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang PSWDO sa lahat ng mga Local Chief Executives, LSWDOs, PNP Women and Children Protection Desk (PNP-WCPD) personnel, Albay Federation of VAW Desk Officers, at iba pang PGA officials sa kanilang suporta sa adbokasiya para sa VAW-free Albay.
Source: Albay PIO