(Legazpi City, September 19, 2025) Nanumpa ng pakikiisa ang 13 Mayors at ilang mga kinatawan sa pagtataguyod ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).
Ang CMCI ay annual ranking at monitoring system ng competitiveness ng mga Local Government Unit (LGU) kung saan tinitingnan ang limang pillars kabilang ang economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, at innovation.
Sa isinagawang Retooling session nitong nakaraang linggo, nanumpa ng pakikiisa ang mga opisyal bilang suporta sa pagsusulong ng programa sa kani-kanilang nasasakupan.
Pumirma ang mga ito sa isang Pledge of Commitment, na nagpapatunay ng kanilang opisyal na pakikiisa sa CMCI program.
Dumalo rin ang mga kalahok sa iba’t ibang talakayan ukol sa limang pillars ng CMCI at nagbahagi ng kani-kanilang mga pamamaraan kung paano nila pinapaigting ang competitiveness ng kanilang mga bayan o lungsod.
Source: Albay PIO
