Thursday, May 2, 2024

Iriga: 10-Year Validity Driver’s License, Ipapamahagi Na Ngayong Nobyembre Sa Sorsogon

- Advertisement -

Magsisimula nang mag-distribute ng lisensya ang LTO-Sorsogon para sa mga ‘law-abiding drivers’ lamang.

Sa pahayag sa Brigada News ng hepe ng LTO-Sorsogon na si Grace Rojas, sinabi nito na naka-eskedyul sa Nobyembre 12 o pangalawang linggo ng nasabing buwan ang pamamahagi ng 10-year validity driver’s license.

Paglilinaw ng LTO, ang bagong driver’s license ay para lamang sa mga taong walang traffic violations. Aniya pa, dapat walang demerit point kahit isa.

Nanggaling ang ‘demerit’ system nang ipatupad ang RA 10930, bagay na nagpapahaba sa validity ng driver’s license.

Nakasaad sa implementing rules and regulations ng Akta Republika na ang demerit ay depende sa lala ng violation: kung ang driver ay may 5 demerit points, ito ay pasok na sa grave violations, less grave violations naman kun may 3 demerit points at light violation pag may isang demerit point.

Lumalabas na aabot sa 40 demerit points ang limit para sa isang taon para tuluyang ma-revoke ng aabot sa dalawang taon ang lisensya ng isang drayber.

(Source: Brigada News FM Sorsogon | Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img