Friday, May 17, 2024

Iranian beauty queen Bahareh Zare Bahari stranded sa NAIA, humihingi ng asylum sa Pinas

- Advertisement -

Humihingi ng asylum sa Pilipinas ang Iranian beauty queen na si Bahareh Zare Bahari matapos siyang pigilan ng Bureau of Immigration na muling makapasok sa Pilipinas.

Batay sa ulat, hinarang si Bahari ng mga immigration officers nang dumating ito sa bansa noong October 16 dahil sa ipinalabas na red notice ng Interpol laban sa Iranian beauty queen.

Nakasaad sa Interpol case reference number 1-2019 / 333201, nahaharap si Bahari sa kasong assault at battery kung saan ipinag-uutos ang agarang pag-aresto dito.

Sa ekslusibong panayam, sinabi ni Bahari na naniniwala siyang mahigpit na minomonitor ng isang mataas na opisyal ng Iran Embassy ang lahat ng kanyang dinadaluhang aktibidad sa Manila.

Ito aniya ay matapos niyang pangunahan ang ilang aktibidad kontra sa gobyerno ng Iran para isulong ang karapatan ng kapwa niya kababaihan at maging ng human rights.

Binigyang diin pa ni Bahari na gawa-gawa lamang ang kasong inihain laban sa kanya sa Pilipinas at Iran na layuning takutin lamang siya.

Naniniwala rin ang Iranian beauty queen na posible siyang mahatulan ng kamatayan o hindi bababa sa 25 taong pagkakakulong dahil sa pagiging kritiko sa pamahalaan ng pinagmulang bansa. — ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -