Ipinataw na multa ng Korte sa MWSS at Maynilad posibleng magresulta sa taas singil sa tubig

0
49

Posibleng mag resulta sa taas singil sa tubig ang ipinataw na multa ng Korte sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Manila Water at Maynilad.

Ito ayon sa isang consumer advocay group na Citizenwatch kaugnay ng halos P1-B multa na ipinataw ng Korte Suprema sa Maynilad at MWSS matapos ang naranasang water interruptions sa kalakhang Maynila.

Ayon sa grupo, posibleng maglaro sa P12 hanggang P16 per cubic meter ang magiging taas singil dahil sa laki ng multa na babayaran ng dalawang water concessionaires.

Paliwanag ng grupo, nasa 400 billion pesos lamang ang budget ng Maynilad habang aabot lamang sa 200 billion pesos ang budget ng Manila Water para matapos ang kanilang sewerage system projects.

Kaugnay nito, una namang sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty na asahan na ang taas singil ngunit hindit ito dahil sa ipinataw na multa sa kanila.