Hontiveros at De Lima pinagbibitiw sa pwesto si Faeldon

0
34

Pinagbibitiw na sa puwesto nina opposition Senator Risa Hontiveros at Leila De Lima si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

Ito ang naging panawagan ng dalawang senador matapos mabunyag na pirmado mismo ni Faeldon ang release paper ni dating Caluan Mayor at convicted rapist at murderer na si Antonio Sanchez.

Ayon kay Hontiveros, hindi karapat-dapat na pagsilbihan ni Faeldon ang mga Pilipino, at wala rin itong karapatan na magkaroon pa ng kahit anumang posisyon sa gobyerno.

Una rito, mariing itinanggi ni Faeldon na mayroon release papers si Sanchez.

Matatandaang, kamakailan lamang na mabunyag ang sana’y paglaya ni Sanchez sa ilalim ng GCTA.

Kaugnay nito, kinondena rin naman ni Hontiveros ang paglaya ng apat na Chinese drug lords sa ilalim ng pamumuno ni Faeldon sa BuCor.

Samantala, sinabi naman ni De Lima na dapat nang sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga kapalpakan nito.

Una rito, si Faeldon rin ang namamahala sa Bureau of Customs (BOC) nang makalusot ang mahigit 6-B halaga ng shabu shipment.