Saturday, May 18, 2024

Ipinasang BOL igniit na naaayon sa Saligang Batas

- Advertisement -

Kapwa kumpiyansa ang AFP o Armed Forces of the Philippines at ang MILF o Moro Islamic Liberation Front na ibabasura ng Korte Suprema ang petisyong kumukuwesyon sa ligalidad ng BOL o Bangsamoro Organic Law.

Sa isinagawang pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Murad na ginarantiya mismo ng Kongreso at ng tanggapan ng pangulo ng bansa na naaayon sa saligang batas ang BOL.

Magugunitang kinuwesyon ng ni Sulu Governor Abdusakur Tan II sa high tribunal ang ligalidad ng isinabatas na BOL at hiniling na ibasura ito sa paniniwalang hindi ito kailanman sinasang-ayunan ng mayorya ng mga bangsamoro.

Sa panig naman ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez, sinabi nito na nasubaybayan niya kung paano dumaan sa malalimang debate at diskusyon ang BOL salig sa umiiral na batas ng bansa.

Bagama’t aminado si Murad na malaking hamon para sa kanila ang napipintong plebesito kaugnay ng BOL sa Enero ng susunod na taon pero tiniyak ng AFP na susuportahan nila ang mga hakbang para sa pagpapakalat ng impormasyon at tamang kaalaman hinggil dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -