Pagbisita ni Chinese Pres. Xi Jinping sa bansa sinalubong ng kabi-kabilang kilos protesta

0
53

Kabi- kabilang kilos protesta ang sumalubong sa pagdating sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Kabilang dito ang protesta ng tribo ng mga dumagat laban sa planong pagpapatayo ng dam sa Sierra Madre sa Quezon at Rizal.

Inaasahang malalagdaan ang kontrata para sa pagtatayo ng Kaliwa Dam sa paghaharap nina Pangulong Xi at Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Kaliwa Dam ay may pondong 19 na bilyong piso galing sa official development assistance ng China.

Ayon kay Casey Cruz, spokesperson ng Bayan Muna Southern Tagalog, hindi lamang mga katutubo ang tutol sa dam kundi maging ang mga mountaineers at mga miyembrong environmental groups.

Kumbinsido sila na magdadala ng matinding pagbaha ang Kaliwa Dam na makaka apekto sa mahigit 1,000 pamilya sa mga bayan ng Tanay sa Rizal at General Nakar at Infanta sa Quezon.