Ipagtanggol ang soberanya at kalayaan ng bansa mensahe ni VP Leni ngayong Nat’l Heroes Day

Ipagtanggol ang soberanya at kalayaan ng bansa mensahe ni VP Leni ngayong Nat’l Heroes Day

by Powered by DWIZ
125 views

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga pilipino na ipagtanggol ang soberenya at kalayaan ng bansa katulad ng ginawa ng mga bayani.

Ito ang mensahe ng Bise Presidente sa pagdiriwang ng National Heroes Day ngayong taon.

Paalala ng Bise Presidente, bago kinilala ang mga bayani ay namuhay muna sila bilang mga ordinaryong mamamayan.

Kung kinaya raw nilang ipaglaban ang kalayaan noon ay kaya rin daw ng mga ordinaryong tao lalo na sa panahon ngayon.

Aniya, oras na raw para ang mga modernong pilipino naman ang magpatuloy ng paglaban at pagtatanggol sa kalayaan ng bansa.

0 comment

Related Posts