2020 budget ng OVP isusumite ngayong araw sa Kamara

0
52

Nakatakdang isumite ngayong araw ang proposed 2020 budget ng Office of the Vice President (OVP) sa Kamara.

Pangungunahan ng House Committee of Appropriations ang pagdinig sa Kamara kung saan inaasahang si Vice President Leni Robredo mismo ang mag prisinta ng budget ng kaniyang opisina sa komite na pangungunahan naman ni Davao City Third District Rep. Isidro Ungab.

Matatandaang, noong nakaraang taon ay naging maiksi lamang ang pagdinig ng Kamara sa proposed budget ng OVP dahil sa umiiral na inter-parliamentary courtesy.

With report from Jill Resontoc.