International flights kanselado pa rin hanggang Mayo 8 —IATF

0
42

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang suspensyon ng international flights papunta at manggagaling sa Pilipinas hanggang sa Mayo 8.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang suspensyon ay tinalakay at inaprubahan ng IATF sa ikinasang pagpupulong nakaraang Lunes, Mayo 4.

Samantala, hindi naman kasama sa suspensyon ang official flights, emergency flights, cargo ambulance, medical supply, weather mitigation, maintenance flights at international flights para sa mga stranded na dayuhan na nasa bansa.

Samantala, ang mga international flights na hihiling lumapag at lumipad ay dapat na magrequest ng exemption sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa loob ng 36 oras bago ang naka-iskedyul na pag-alis mula sa kanilang paroroonang lugar.