Bilang ng pulis na nagpositibo sa COVID-19 pumalo na sa 112

0
18

Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa pinakahuling datos ng PNP health service, nasa 112 pulis na ang nahawaan ng COVID-19.

Ang tatlong pinakahuling kaso sa hanay ng pulisya ay 48 anyos mula sa Parañaque City; 29 anyos mula sa San Juan City; at 32 anyos na naka-assign sa National Capital Region (NCR).

Samantala, tiniyak naman ng PNP Health Service na kanilang tututukan at bibigyan ng atensyong medikal ang 68 pasyenteng pulis na nananatili sa quarantine facilities, 5 sa ibang ospital, at 19 na personnel na nakasailalim sa home quarantine.

Sa ngayon nasa 17 pulis na ang nakarekober sa COVID-19 habang 3 naman ang binawian ng buhay.