Saturday, May 18, 2024

‘Internal cleansing’ sa PNP mas paiigtingin

- Advertisement -

Mas paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang ‘internal cleansing’ sa kanilang hanay.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa “embedded corruption” o nakabaon nang korapsiyon sa PNP.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge, Lt. Gen. Archie Gamboa, may nakalatag na silang mga programa kaugnay ng internal cleansing upang tuluyan nang malinis ang kanilang organisasyon.

Ipinagmalaki naman ni Gamboa na mula noong October 2019 nang umupo siya bilang OIC ay halos 300 tiwaling pulis na ang nasibak sa puwesto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -