Saturday, May 18, 2024

Inisyal na imbestigasyon sa pagsabog sa Cotobato at Maguindanao isusumite na

- Advertisement -

Inaasahan nang maisumite ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang inisyal na imbestigasyon hinggil sa nangyaring serye ng pagsabog sa Cotabato at Maguindanao.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, dapat nang maisumite ng NBI ang kanilang preliminary report bago pa man matapos ang taon.

Kahapon lamang ng atasan ng Dept. of Justice ang NBI na pamunuan ang pagsisiyasat sa nangyaring pagsabog.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Phil. Army, sakay ng motosiklo ang mga salarin na nag-tapon ng granada sa mga sundalong pababa ng truck sa Cotabato City kung saan nasugatan ang ilang sundalo.

Habang sinundan naman ito ng isa pang pagsabog sa Maguindanao.

Sa ngayon, 2 teroristang grupo na ang pinaghihinalaang may kagagawan sa nangyaring mga pagsabog.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -