Iniimbestigahan na ang kaso ng pagpatay sa dating Medellin Mayor-PNP

0
48

Iniimbestigahan na ng Police Regional Office 7 ang kaso ng pagmamaril at pagpatay sa dating Alkalde ng bayan ng Medellin sa Cebu habang nasa loob ng ospital.

Kaugnay nito tiniyak ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac na kanilang bibigyan ng hustisya ang pagpatay kay dating Medellin Mayor Ricardo Ricky Ramirez.

Pagtitiyak pa ni Banac, nananatiling mapayapa at maayos ang sitwasyon sa lalawigan sa kabilang ng pangyayari.

Magugunitang, naka-hospital arrest si Ramirez sa bogo – Medellin Corporation Medical Center nang pasukin ang kanyang kuwarto at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.