80 kabahayan nasunog sa Cebu

0
44

Nasunog ang aabot sa 80 kabahayan sa barangay Pusok, Lapu-Lapu City Cebu.

Ayon kay Lapu-Lapu City Fire Station 1 Fire Officer 1 Mae Anne Bartolabac, nagsimula sa sunod sa tahanan ng isang Regina Rosales Pasado  5:41 kaninang madaling araw.

Dakong 6:10 ng umaga nang itaas ang sunog sa 3rd alarma bago maideklarang under control pasado 6:26 kaninang umaga.

Patuloy namang iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog.