Batas ukol sa doble plaka sa mga motorsiklo muling ipinasisilip

0
41

Umapela ngayon sa mga kapwa niya mambabatas si Senior Deputy Leader and Buhay Party-list Representative Lito Atienza na muling pag-aralan ang “Motorcycle Crime Prevention Law”.

Ayon kay Atienza, mas makabubuti na plantsahin muna ang nasabing batas na mas kilalala bilang ‘doble plaka law’ dahil sa ilang probisyon nito na hindi beneficial para sa mga motorista.

Kaugnay nito, nanindigan rin si Atienza na hindi solusyon ang ‘doble plaka law’ para ang nangyayaring krimen dulot ng mga motorcycle-ridng criminals.

Paliwanag ni Atienza, ang dapat tutukan ng mga awtoridad ay ang pagdadagdag ng police visibility at patibayin pa ang pagbabantay laban sa mga riding-in-tandem upang mapababa ang crime rate sa bansa.


Samantala, nanawagan naman si Senador Richard Gordon sa Land Transportation Office (LTO) na maging maingat sa pagbalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) ng bagong batas na Motorcycle Crime Prevention Act.

Ayon kay Gordon na siyang principal author ng naturang panukalang batas, kailangan ay naayon ang magiging IRR sa layunin ng naturang batas na pagprotekta sa publiko laban sa mga krimen na ginagamitan ng motorsiklo.

Nais na humirit ni Gordon sa LTO na upuan nila ang mga pagbalangkas ng IRR upang masigurong maipatutupad ng maayos ang bagong batas.—Rianne Briones

—-