29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Inaprubahang taas pasahe sa jeep kailangan pag-aralan muli ng LTFRB

- Advertisement -

Kailangan pag-aralang muli ang inaprubahang taas pasahe sa jeepney ng Land Transportration Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ang iginiit ng grupong United Filipino Consumer and Commutters kasabay ng paghahain ng petisyon para hilingin na maibalik sa P8 ang minimum na pasahe sa mga jeep.

Ayon sa grupo, limang magkakasunod na linggo na ang ipinatupad na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo at mismong ang mga eksperto na ang nagsasabi na magpapatuloy pa ito.

Binigyang diin ng United Filipino Consumer and Commutters, panahon na para ibaba ang pasahe sa jeep lalut mliyon-milyong Pilipino ang naaapektuhan ng pagtataas nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -