Tuesday, May 7, 2024

Filipina autism advocate ginawaran ng kauna-unahang ASEAN prize

- Advertisement -

Ginawaran ng kauna-unahang ASEAN prize ang isang Filipina bilang pagkilala sa kanyang mga naging kontribusyon para tulungan ang mga may autism.

Mismong si ASEAN 2018 chairman at Singapore Prime Minister Lee Hsien Long ang nagbigay ng parangal kay Erlinda Uy Koe sa pagbubukas ng 33rd ASEAN Summit and related summits sa Singapore kahapon habang sinaksihan naman ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ASEAN, hindi matatawaran ang mga naging kontribusyon ni Koe dahil sa kanyang adbokasiya sa autism na nagpapakita ng pasuporta sa pagiging inclusive at pagbuo ng matibay na relasyon sa ASEAN region.

Bukod sa tropeo, nakatanggap din si Koe ng cash prize na nagkakahalag ng $20,000.

Samantala nagpasalamat naman si  Koe  sa kanyang natanggap na parangal at kanyang ibinabahagi ito sa lahat ng miyembro ng Autism Society of the Philippines kung saan tumatayo siyang chairman emeritus at sa  ASEAN Autism Network.

Umaasa rin si Koe na magiging daan ang nakuhang pagkilala para dumami pa ang mga taong bukas ang puso at isip sa pagpapahalag, pagtanggap at pagbibigay ng tulong sa mga may autism.


Palasyo nagpaabot ng pagbati sa Filipina autism advocate na ginawaran ng ASEAN prize

Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang sa Filipinang pinarangalan ng kauna-unahang ASEAN prize 2018 dahil sa kanyang adbokasiya para tulungan ang mga may autism hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ASEAN region.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, isang malaking karangalan sa Pilipinas ang nakuhang pagkilala ni Erlinda Uy Koe ng Autism Society Philippines at ASEAN Autism Network.

Malaki aniya ang naimbag ni Koe para mabago ang buhay ng mga may autism at ng kanilang pamilya.

Samantala sa isang hiwalay na pahayag sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipinagmamalaki ng Pilipinas si Koe at ang hindi matatawarang nagawa nito na magsisilbing inspirasyon para sa lahat.

Dagdag ni Panelo, ang mga naging kontribusyon ni Koe para matulungan at mapabuti ang buhay ng mga may autism ay tunay na sumisimbolo sa diwa ng ASEAN.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img