Friday, May 3, 2024

Inaasahang bagyo na papasok sa bansa ngayong taon 3 pa — PAGASA

- Advertisement -

Aabot pa sa isa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang pumasok sa bansa bago matapos ang taong kasalukuyan.

Ito’y ayon mismo kay PAGASA Weather Specialist Cris Perez, kung saan posible aniyang sa buwan ng Nobyembre pa pumasok ang dalawang bagyo sa bansa.

Habang isang bagyo naman ang posibleng pumasok sa Pilipinas pagsapit ng buwan ng Disyembre.

Kaugnay nito, namataan naman ng PAGASA ang bagyong may international name na Typhoon ‘Bualoi’ sa layong 2,575-kilometers sa hilagang bahagi ng Luzon.

May taglay itong lakas ng hangin na 110 kilometers per hour (kph) at pabugsong 190 kph.

Gayunman, tiniyak naman ng PAGASA na mababa ang tiyansa nito na pumasok sa Philippines Area of Responsibility (PAR).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img