Paglilinis sa Bonifacio Shrine sinimulan na

0
44

Sinimulan na ang paglilinis sa Bonifacio Shrine matapos ang isinagawang inspeksiyon dito ni Manila Mayor Isko Moreno, kahapon.

Matatandaang nakatapak pa mismo ng dumi ng tao ang alkalde kaya nagalit ito sa ginawang pambababoy sa naturang shrine.

Ngayong umaga ay nagsagawa ng flushing ang mga tauhan ng department of public safety kung saan sinabon at binomba ng tubig ang palibot ng bantayog ni Bonifacio.

Giniba na rin ang mga tindahan at kainan sa likurang bahagi ng shrine.

Una nang iniutos ni Moreno ang pagsibak sa hepe ng Lawton police community precinct na nakasasakop sa naturang lugar.