Impeachment complaint laban kay PRRD magihirapang mailusot

0
55

Aminado ang makabayan Bloc sa Kamara na imposible ang planong Impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng pagkampi nito sa China sa usapin ng umano’y “Hit and Run” sa Recto Bank

Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni bayan muna Rep. Carlos Isagani Zarate na ang Impeachment aniya ay isang prosesong pulitikal at kailangan ng numero sa parehong kapulungan ng Kongreso bago maisulong

Gayunman, mali ayon kay Zarate na sabihin ng pangulo na ipakukulong nito ang mga maghahain ng Impeachment laban sa kaniya dahil sinisikil nito ang karapatan ng bawat isa na gawin ang demokratikong hakbang sa ilalim ng batas

Pero sa panig ni Majority Floor Leader at Capiz Rep. Fredenil Castro, sinabi nito na mahihirapang matukoy kung ano ang naging paglabag ng pangulo dahil kilala aniya ito sa pagbibitiw ng mga matatalinghagang salita

Giit pa ni Castro, halos lahat ng mga mambabatas ngayon ay kakampi ng pangulo mula Kamara hanggang Senado kaya’t naniniwala siyang sa Komite pa lamang ay tiyak na maibabasura na ito