Hindi pag-endroso ni PRRD ng susunod na House Speaker dahilan ng patuloy na gapangan – Solon

0
45

Hindi kumbinsido ang isang mambabatas sa Kamara na makakukuha ng 200 boto sa pagiging House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco

Sa isang Forum sa Quezon City, sinabi ni House Majority Leader at Capiz Rep. Fredenil Castro na mahirap paniwalaan ang ipinagmamalaki ng PDP Laban dahil hindi naman aabot sa 400 Kongresista ang bubuo sa 18 Kongreso

Hindi rin maitatanggi na mayruong kaniya kaniyang kabig ang iba pang mga lumalaban sa pagka-speaker ng Kamara tulad nila dating Speaker at Davao Rep. Pantaleon Alvarez, Tacloban Rep. Alfred Romualdez at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano

Pero para kay Castro, mas malakas pa rin si Romualdez dahil hawak nito ang mas malaking bilang ng suporta mula sa mga mambabatas kumpara sa iba pang mga kandidato sa pagka-speaker

Aminado si Castro, na ang hindi pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte ng susuportahang speaker ng Kamara ang dahilan kung bakit tuloy pa rin ang gapangan sa puwesto ng House Speakership