Kaso laban sa driver ng Buena Sher Bus ikinakasa na

0
58

Ikinakasa na ng Valenzuela PNP ang kasong isasampa nila laban sa driver ng Buena Sher Bus na tumilapon at tumagilid sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa bahagi ng Valenzuela kagabi

Ayon kay P/Col. Carlito Gaces, Hepe ng Valenzuela City PNP, batay aniya sa kuwento ng mga pasahero, mabilis ang pagpapatakbo ng bus driver na si Victor Delos Reyes sa NLEX Northbound patungong Bulacan nang mangyari ang insidente

Dahil sa bilis ng takbo, nawalan umano ng kontrol si Delos Reyes dahilan upang bumangga ito sa concrete barrier at saka tumilapon sa Southbound Lane ng NLEX na nagresulta naman sa mabigat na daloy ng trapiko

Sinabi ni Gaces, posibleng maharap sa kasong Multiple Homicide, Physical Injuries at Damage To Properties si Delos Reyes dahil sa pagkasawi ng 8 at pagkasugat ng 25 pasahero

Kasalukuyang naka-hospital arrest si Delos Reyes na malubhang nasugatan habang patuloy naman ang pagdating ng mga ka-anak ng mga biktima upang ikasa ang kaso