31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Immunization program ng DOH magpapatuloy

- Advertisement -

Magpapatuloy pa rin ang immunization program ng pamahalaan.

Ito ang naging pagtitiyak ng Department of Health (DOH) sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang magbabago sa serbisyong pangkalusugang ibinibigay ng kagawaran para sa publiko.

Ang pahayag na ito ni Vergeire ay nag-ugat matapos na isulong ni Deputy House Majority Leader Bernadette Herrera-Dy ang panukalang naglalayong gawing mandatory ang immunization program sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -