28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

IATF hindi pa napag-uusapan ang massive forced quarantine sa Luzon

- Advertisement -

Hindi pa natatalakay ng Inter Agency Task Force (IATF) ang usapin hinggil sa posibleng pagpapatupad ng massive forced quarantine sa Luzon.

Ito’y ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra matapos na ianunisyo ni presidential peace adviser at coronavirus disease 2019 (COVID-19) Chief Implementor Carlito Galvez ang posibleng pagpapatupad ng malawakan at puwersahang quarantine sa Luzon.

Sinabi ni Guevarra, ang tanging napag-usapan lamang kasi sa pagpupulong ng IATF ay ang pag-gamit sa PICC at ilan pang establisyemento sa bansa bilang quarantine facilities.

Ayon kay Guevarra, tungkulin ng mga lokal na pamahalaan na magtayo o magtalaga ng mga quarantine facilities sa kanilang mga nasasakupang lugar para sa mga PUI’s o PUM’s na walang kakayahang mag self-quarantine.

Sa ilalim ng massive forced quarantine ibubukod na ng pamahalaan ang mga puis at pums upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -