Friday, May 3, 2024

Imbestigasyon vs. katiwalian sa BuCor nais buksan muli

- Advertisement -

Nais ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na buksan muli ng Senado ang imbestigasyon kaugnay sa katiwalian at anomalya sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay matapos ang nangyaring pananambang kay dating chief legal officer ng BuCor na si Atty. Frederick Anthony Santos.

Ayon kay Gordon, kokonsultahin niya si Senate President Vicente Sotto III at iba pang kapwa senador kung kailangan pa nilang halukayin ang mga isyu sa bilangguan at pagkabigo ng mga otoridad na resolbahin ang mga nangyayaring patayan at iba pang krimen bukod sa matinding kaso ng katiwalian.

Magugunitang pang-15 si Santos sa kaso ng napaslang malapit sa Bilibid na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba.

Samantala, iginiit rin ni Gordon na pawang sampal sa pamahalaan at sa sistema ng hustisya ng bansa ang mga nangyayaring patayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img