35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

2 COVID-19–positive passengers ng Diamond Princess sa Japan pumanaw na

- Advertisement -

Pumanaw na ang dalawang sakay ng Diamond Princess cruise ship sa Japan na tinamaan ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa ulat ng Japan Times, ang dalawang pasyente na nagpositibo sa sakit at nasawi ay pawang isang lalaki at babae na nasa edad na 80-taong gulang.

Magugunitang nakapagtala ang Japan ng 621 pasahero ng Diamond Princess na nagpositibo sa COVID-19.

Gayunman, tuloy pa rin ang pagpapababa sa barko ng iba pang pasahero na nakakumpleto ng mandatory quarantine at nag negatibo sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -