Mas pinaigting na brigade eskwela ikakasa ng DepEd

0
46

Ikakasa ng Department of Education o DepEd ang kanilang mas pinaigting na brigada eskwela para sa darating na school year 2019 to 2020 sa Mayo.

Ito’y upang matiyak na magiging maayos ang pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Nakatakdang isagawa ng DepEd ang brigada eskwela o taunang maintenance activity mula 20 hanggang 25 ng Mayo.

Tema ng naturang aktibidad ngayong taon ay “matatag na bayan para sa maunlad na paaralan”.

Bukod sa taunang paglilinis sa mga paaralan, maglalatag na rin ang ahensya ng mga learning session hinggil sa public safety, sanitation at proper hygiene, bullying, anti-illegal drug campaign at iba pa.

Samantala, aarangkada naman sa 27 ng Mayo hanggang 7 ng Hunyo ang oplan balik eskwela na layong itaguyod ang pagkakaisa ng lahat ng ahensya, stakeholders at organisasyon para sa pagbubukas ng klase.