Ilang senatoriables maagang bumoto

0
59

Maaagang nagtungo sa kanilang mga polling precincts para bumoto ang ilang mga kumakandidato sa pagka-senador.

Isa sa mga ito si Otso Diretso senatorial bet Mar Roxas na dumating sa Conrado Barrios Memorial Elementary School sa Baybay Roxas city.

Ayon kay Roxas, sinimulan niya ang kanyang ika-62 kaarawan ngayong araw sa pagboto ng maaga.

Isa naman si reelectionist senator Koko Pimentel sa mga maagang bumoto sa kaniyang polling precinct sa City Central School sa Cagayan De Oro City.

Pasado ala-6 din ng bumoto sina Lito Lapid sa kanyang presinto sa Porac Elementary School sa Pampanga at Francis Tolentino sa P. Tolentino Memorial High School sa Tagaytay.

Pasado alas-8 naman ng umaga nang makaboto sina senatoriable Ronald Dela Rosa sa kanyang presinto sa Barangay Bato, Sta. Cruz, Davao Del Sur, reelectionist senator JV Ejercito sa Xavier School San Juan City, Senatoriable Gary Alejano sa Sipalay City, Negros Occidental at Bong Revilla sa Bacoor City kung saan kasama niya ang kanyang asawang si Mayor Lani Mercado.