Bilang ng mga naitalang lumabag sa liquor ban pumalo na sa halos 400

0
46

Pumalo na sa 389 ang mga insidente ng paglabag sa liquor ban ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.

Batay sa talaan ng PNP, mahigit 700 na ang kabuuang bilang ng mga lumabag.

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, sa nasabing bilang 337 ang kanilang naaresto habang 3 naman ang at-large.

Paalala ng PNP, patuloy pa ring umiiral ang liquor ban na nagsimula kahapon ng hatinggabi at matatapos mamayang alas-12 ng hating gabi.