Cotabato City ginulantang ng mga pagsabog sa bisperas ng eleksyon

0
55

Ginulantang ng magkasunod na pagsabog ang Cotabato City sa bisperas ng midterm elections.

Dakong alas 10:30 kagabi nang umalingawngaw ang mga pagsabog sa Malagapas, Barangay Rosary Heights 10.

Ayon kay City Police Precinct 2 Commander, Lt. Teofisto Ferrer Jr,  wala namang nasaktan sa insidente na naganap malapit sa city hall sa Purok Omar.

Pinaniniwalaang 40 mm mortar ang ginamit ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa pagpapasabog.

Gayunman, hindi pa mabatid kung may kaugnayan sa halalan ang mga pagsabog.