Ilang senador nagbigay ng suhestiyon sa pagsibak kay Robredo bilang drug czar

0
18

Hindi na ikinagulat pa ni Senator Panfilo Ping Lacson ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ito ang binigyang diin ng senador matapos sibakin ng Pangulong Duterte si Robredo, dalawang linggo matapos niya itong italaga bilang anti-drug czar.

Kasabay nito, sinabi naman ni Senator Risa Hontiveros na ang pagsibak ng pangulo kay Robredo ay patunay lamang na takot at hindi pa ito handa sa makataong paglaban sa iligal na droga.

Aniya, isa ring palaisipan na bigla na lamang sinibak ni Pangulong Duterte si Robredo gayong naglipana ang isyu at anomalya sa umano’y kapalpakan ng pamahalaan sa pag-hohost ng Southeast Asian (SEA) games.

Matatandaang, Nobyembre 5 ng italaga ng pangulo si Robredo bilang co-chair ng ICAD.