Robredo walang alam sa posisyon nya bilang drug czar —Spox

0
15

Hindi alam ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang tungkulin bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ito ang iginiit ni Presidential spokesman Salvador Panelo matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo dalawang linggo matapos itong italaga bilang anti-drug czar.

Ayon kay Panelo, kung hindi pa kasi sasabihin ng pangulo na hindi niya pinagkakatiwalaan si Robredo ay hindi pa ito mag-susumite ng kaniyang mga programa para masugpo ang iligal na droga sa bansa.

The vice president should have exerted effort na on day 1 pa lang mayroon na syang ipinresentang programa,” Ani Presidential spokesman Salvador Panelo.

Kasabay nito, sinabi rin ni Panelo na hindi rin maganda ang naging asal ni Robredo kung saan nanindigan ito na hindi siya bababa sa puwesto hangga’t hindi siya sinisibak mismo ng pangulo.

Sinabi niya (Duterte) na I will not fire you, anong rekasyon niya (Robredo)? ‘Fire me, if you don’t want me, fire me madali akong kausap’, you don’t say that to your boss,” dagdag pa ni Panelo

Dagdag pa ni Panelo, sa halip kasi na pag-butihin ni Robredo ang kaniyang trabaho ay ‘tila utang na loob pa ni Pangulong Duterte ang pag-talaga niya sa pangalawang pangulo na pamunuan ang war on drugs.