Thursday, May 2, 2024

Ilang senador nabuhayan na tuluyang mababasura ang fuel excise tax

- Advertisement -

Nabuhayan umano ng pag asa ang ilang senador na tuluyang mababasura ang ikalawang bahagi ng fuel excise tax sa ilalim ng TRAIN Law matapos itong isulong sa Kamara.

Tiniyak ni Senate Ways and Means Committee Chair Sonny Angara ang pag apruba ng senado sa panukalang pagbasura sa excise tax sa langis kung ipapasa ito ng mababang kapulungan.

Sinabi naman ni Senador Koko Pimentel na dapat na ring isulong sa senado ang pagbasura sa fuel excise tax lalo na’t mahirap itong ipatupad dahil sa pabago- bagong presyo nito.

Ibinabala naman ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat maging aral sa gobyerno ang nangyari sa Paris kung saan ibinasura ang fuel tax matapos magkagulo at may nabuwis pang buhay.

Masyado lamang aniyang matiisin ang mga Pilipino subalit ramdam aniya ng nasa bottom 30 percent na mahihirap ang mataas na presyo ng mga bilihin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img