Ilang pekeng kooperatiba na nagbebenta ng palay iniimbestigahan na ng NFA

0
53

Iniimbestigahan na ng NFA o National Food Authority ang ilang mga pekeng kooperatiba na nagbebenta ng palay sa ahensiya.

Ito ay matapos makatanggap ng ulat ang Department of Agriculture hinggil sa mga pekeng kooperatiba na umano’y gumagamit ng ilang mga negosyante upang makapag benta ng palay.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, pinag-aaralan na ng D.A ang mga naturang ulat.

Kasabay nito, sinabi naman ni NFA Administrator Tomas Escares na karamihan sa mga ulat na kanilang natanggap ay mula sa Central Luzon.

Paliwanag ni Escarez, batay sa mga umiiral na patakaran, kailangan ng isang kooperatiba ng farmer’s passbook at certification mula sa Department of Agriculture bago ito makapag benta ng palay sa NFA.