Dalawang supporter ng mga kandidato patay sa pananambang

0
48

Patay ang dalawang lalaki na taga-suporta umano ng mga pulitiko makaraang pagbabarilin sa magkahiwalay na insidente sa Antique.

Unang itinumba sa Sitio Huna, Barangay Buluangan Uno ang 26-anyos na si Angelito Roquero Jr. na kilalang supporter ni Vice Mayor Josefino Castillon ng bayan ng Valderrama.

Agad namang nahuli ang suspek na si Mark Francisco at nabawi rito ang baril na umano’y ginamit sa krimen.

Samantala, tinambangan naman ng hindi pa kilalang mga salarin si Crispolo Jereza habang sakay ng motorsiklo sa Barangay Bagongbayan sa bayan naman ng Laua-an.

Si Jereza ay sinasabing dating driver at bodyguard ni Laua-an Mayor Francisco “Bebong” Baladjay Jr.