Wednesday, May 8, 2024

Ilang lugar nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa Bagyong Ompong

- Advertisement -

Nawalan ng suplay ng kuryente ang maraming lugar na kasunod ng pananalasa ng Bagyong Ompong.

Ayon sa NDRRMC, walang suplay ng kuryente sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Nueva Vizcaya, Benguet, Abra at kalinga matapos na bayuhin ng malakas na ihip ng hangin at ulan dahil sa bagyo.

Gayundin ang ilang bayan sa Pangasinan, Isabela at Aurora.

Nawalan rin ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Bataan, Zambalaes at Pampanga.

Kumikilos na ang NGCP at Meralco para maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na apektado ng bagyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img