Ilang kalsada sa Metro Manila isinailaim sa road reblocking

0
46

Isinailalim na sa road reblocking ang ilang kalsada sa Metro Manila, mula kahapon Abril 26 hanggang sa Lunes, Abril 29.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), nagsimula ang road reblocking at repair mula alas onse ng gabi kahapon, at magtatapos ng alas singko ng umaga sa Lunes.

Kabilang sa mga apektadong kalsada ang first at second lane sa kahabaan ng EDSA Northbound, magmula sa Baliwag Transit hanggang sa New York Street.

Partikular na rin ang kahabaan ng EDSA Southbound, mula New York Street hanggang Aurora Boulevard.

Habang, apektado rin naman sa road reblocking na ito ang middle lane, sa harapan ng SM Aura sa Taguig.

Pinayuhan naman ang mga motorista na asahan na ang mas mabagal na daloy ng trapiko, at kung maari ay gamitin na lamang ang mga alternatibong ruta.

—–