Presyo ng LPG nagbabadya ring tumaas

0
55

Nagbabadya ring tumaas ang presyo ng liquified petroleum gas (LPG) sa susunod na linggo.

ayon sa industry sources, aabot sa singkwenta sentimos hanggang piso kada kilo o P5.50 hanggang p11 sa kada 11 kilong tangke ng LPG.

Ipatutupad naman sa Mayo 1 ang nasabing taas presyo, dahil na rin sa inaasahang pag taas ng contract price sa pandaigdigang merkado.

—–